Ipinaabot ni US President Donald Trump ang depensa kay Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman sa harap ng mga tanong ng media tungkol sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagpatay sa mamamahayag na si Jamal Khashoggi sa Istanbul.
Sa unang pagbisita ng prinsipe sa White House makalipas ang 7 taon, binigyang-diin ni Trump ang matibay na relasyon ng Estados Unidos at Saudi Arabia at ang pagiging katuwang nito sa iba't ibang isyu.






















