Nagpatuloy ngayong araw ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa mga anomalya sa likod ng government flood control projects sa bansa.
Kabilang sa humarap kanina bilang resource person si dating Public Works and Highways Secretary at ngayo'y Senador Mark Villar, gayundin ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya na may hiling sa ICI.