Natapos na ng National Police Commission ang imbestigasyon sa kaso ng missing sabungeros.
Subalit, ayon kay NAPOLCOM Vice Chairperson at Executive Officer Atty. Rafael Calinisan, hihintayin muna nila ang desisyon ng Department of Justice sa kasong kriminal ng mga pulis bago nila ilabas ang resolusyon sa kaso.






















