Magkahiwalay na insidente ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team.
Isa rito ang senior citizen na stroke patient na inasistehan upang makauwi sa kanilang tahanan mula sa Baguio General Hospital.
Sumaklolo ang isa sa mga rescuer ng UNTV News and Rescue sa isang motorcycle rider na tumilapon sa tulay sa Sorsogon City noong Linggo.
Samantala, tinulungan rin ng rescue team ang dalawang lalaking nakamotor na naaksidente dahil sa plastic bottle sa kalsada sa Quezon City.