Walang koordinasyon ang ginawang welfare check ng Philippine Embassy kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC, ayon kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, walang nakarating na impormasyon sa kanilang pamilya, maging sa defense team ng dating Pangulo, kaugnay ng naging pagbisita ng mga tauhan ng gobyerno ng Pilipinas sa dating Pangulo.