Opisyal nang sinimulan ngayong araw ng Independent Commission for Infrastructure o ICI ang livestreaming ng kanilang pagdinig.
Unang sumalang sa livestreaming ang pagharap sa komisyon ni Laguna 4th District Representative Benjamin Agarao Jr. kaugnay ng imbestigasyon pa rin sa mga anomalya sa flood control projects.






















