Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta ng administrasyon sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa gitna ng patuloy na kinakaharap na hamon sa West Philippine Sea.
Bukod sa pagpapatatag ng pakikipag-alyansa sa mga bansang tulad ng US, Japan, Australia, at iba pang bansa, inihayag rin ng Pangulo ang patuloy na pagbili ng mga makabagong kagamitan para sa AFP.






















