Ipinaliwanag ng Independent Commission for Infrastructure o ICI kung bakit pinayagan nila ang pagkakaroon ng executive session sa halip na isa-publiko ang panibagong mga pagdinig ngayong linggo.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, may mga impormasyon silang kinonsidera kaya napayagan ang pagsasapribado pa rin ng mga hearing.






















