Nagpasya si US District Judge Allison Burroughs na labag sa batas ang ginawang pagpigil ni US President Donald Trump sa mahigit 2.2 billion dollar federal grants para sa Harvard University.
Ayon sa hukom, walang basehan ang paratang ng administrasyon na may anti-Semitism sa unibersidad, at ginamit lamang ni Trump ang fund-freezing para pilitin itong sumunod sa kanyang kagustuhan.