Pansamantalang sinuspinde ng TikTok ang live streaming feature nito sa Indonesia matapos ang mga marahas na protesta bunsod ng pagkamatay ng isang lalaki na nabangga ng sasakyan ng pulis.
Ayon sa pahayag ng kompanya, ginawa ang hakbang bilang dagdag na seguridad upang mapanatiling ligtas at maayos ang paggamit ng kanilang platform.