Nanawagan si South Korean President Lee Jae Myung ng mas matibay na kooperasyon at pagkakaisa sa hanay ng mga kasaping bansa ng APEC.
Sa gitna ng mga problema sa pandaigdigang ekonomiya, iginiit ni Lee na tanging pagtutulungan at pagkakaisa ang daan upang maharap ang mga hamon ng makabagong panahon at makamit ang pag-unlad sa rehiyon.






















