Muling nilinaw ng Department of Foreign Affairs ang ginawang welfare check kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC ng Philippine Embassy sa The Hague.
Ito ay kasunod ng pahayag na inilabas ni Vice President Sara Duterte nitong September 27, na hinayaan aniya ng ICC na magsagawa ng welfare check ang mga tauhan ng gobyerno ng Pilipinas upang samantalahin ang mahinang katawan ni Former President Duterte.