Susundin pa rin ng Senado ang Korte Suprema sakaling katigan ang ihahaing Motion for Reconsideration ng Kamara sa desisyon nito sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ngunit ayon kay Senate President Chiz Escudero, tuloy na ang kanilang botohan sa August 6 upang pagpasyahan kung idi-dismiss na ba o hindi ang impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.