Pinatawan na ng lifetime blacklisting, o hindi na pahihintulutan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na makasali sa anumang proyekto ng gobyerno, ang Wawao Builders at Syms Construction na kabilang sa mga contractor ng mga sinasabing ghost flood control projects.