Maagang nagpakita ng presensya ang mga barko ng China sa isinagawang naval drills ng Pilipinas at Estados Unidos sa karagatang sakop ng Zambales.
Bahagi ito ng ika-8 Maritime Cooperative Activity ng dalawang bansa.
Sa pagsasanay, isang guided missile destroyer ang ipinadala ng Estados Unidos, habang ginamit naman ng Philippine Navy ang pinakabago at makabagong barko nito, ang BRP Miguel Malvar.