Nagpaalala si Vice President Sara Duterte na dapat mas malaking pondo ang ilaan sa disaster risk reduction, lalo’t nasa isang disaster-prone na bansa ang mga Pilipino.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kahandaan sa gitna ng patuloy na malalakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Crising at pinalakas na habagat.