Tumaas ang trust at approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang bumaba naman ang ratings ni Vice President Sara Duterte batay sa pinakabagong survey ng OCTA Research.
Ayon sa OCTA, nakatulong sa pag-angat ng ratings ng pangulo ang anila’y mga hakbang nito sa mga problemang nakaaapekto sa mga mamamayan.