Itinalaga ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla si Usec. Fredderick Vida bilang pansamantalang mamumuno sa Department of Justice matapos siyang hirangin bilang bagong Ombudsman.
Ayon kay Remulla, napagkasunduan na nila ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang, habang wala pang napag-uusapang papalit sa kanya bilang kalihim ng DOJ.