Kumpiyansa si Department of Public Works and Highways Sec. Vince Dizon na may maparurusahan at makukulong na ilang personalidad na sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Sec. Dizon, base sa pakikipag-usap niya sa mga opisyal ng Independent Commission for Infrastructure o ICI at Office of the Ombudsman, inaasahan na niyang may makukulong na bago o pagpasok ng buwan ng Disyembre.






















