Bumaba ang trust rating nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations.
Lumabas naman sa hiwalay na survey ng Pulse Asia na mas nagtitiwala ang mga Pilipino sa media kaysa sa mga ahensya ng gobyerno pagdating sa paglaban sa korapsyon.






















