Patuloy ang paghahanda ng mga awtoridad sa Southern Leyte upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa harap ng lumalakas na epekto ng Bagyong Tino.
Kasama sa mga hakbang ang preemptive evacuation, paghahanda ng rescue equipment, at pamamahagi ng relief packs, habang mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard ang sitwasyon sa baybayin at mga mabababang lugar.






















