Nakararanas ng matinding pagbaha ang probinsya ng Antique bunsod ng malalakas na ulan na dala ng bagyong Crising. Sa lakas ng agos ng tubig, bumigay ang isang hanging bridge sa bayan ng Patnongon at nasira rin ang ilang pader at gate ng mga bahay roon.