Nanawagan si Sen. Bong Go na hanapin ang dapat hanapin na mga totoong buwaya at mastermind sa gitna ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.
Tugon ito ng senador kaugnay ng umano'y koneksyon ng mga Discaya sa CLTG Builders na isang construction company na pagmamay-ari ng kaanak ng senador.