Matinding salita ang binitiwan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong laban sa mga umano’y tiwali sa pamahalaan.
Ito ay matapos siyang hamunin ni House Public Accounts Committee Chairperson at Bicol Saro Rep. Terry Ridon na maglabas ng ebidensya sa kaniyang mga paratang ng korupsyon sa infrastructure projects ng gobyerno.