Kinansela ng Department of Education Region 11 ang pasok ngayong araw sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan kasunod ng magnitude 7.4 na lindol.
Ito ay upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng assessment at inspection sa mga school buildings bilang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral.