Ilang araw nang nananatili sa evacuation centers ang mahigit 300 pamilya sa lungsod ng Maynila na lumikas dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at baha.
Bagamat nakatanggap na sila ng tulong mula sa lokal na pamahalaan at ilang non-governmental organizations, umaapela pa rin sila ng karagdagang ayuda tulad ng pinansyal, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan.