Itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa red alert ang kanilang operations center matapos ang malalakas na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental nitong Biyernes.
Kasabay nito, tiniyak ng ahensya na aktibo na rin ang lahat ng response clusters upang mas mapabilis ang koordinasyon sa relief at rescue operations.