Patuloy ang pagsubaybay ng mga awtoridad sa landslide sa Brgy. Candanas, Garcia Hernandez, Bohol, na nagdulot ng pagkasira ng ilang bahay at nakapagpabalisa sa mga residente.
Ang Provincial Government, kasama ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, Provincial Engineering and Management Office at Geological Inspection, ay nagsasagawa ng assessment upang mapabilis ang solusyon at maprotektahan ang mga nakatira sa lugar.























