Bukod sa paglilinis sa loob ng Department of Public Works and Highways, tututukan rin ni Sec. Vince Dizon ang problema ng baha na naranasan kamakailan ng Metro Manila at iba pang probinsya.
Ayon sa bagong DPWH chief, makikipagpulong siya sa mga susunod na araw sa ibang ahensya ng pamahalaan, at lahat ng lokal na pamahalaan ng Metro Manila at ilang mga rehiyon na nakaranas ng matinding pagbaha.