Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Government Optimization Act o Republic Act 12231 na nagbibigay ng kapangyarihan sa pangulo para magsagawa ng reorganization o streamlining sa mga ahensya ng gobyerno.
Sa ilalim ng batas na prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC, maaaring palakasin, pagsamahin, o tanggalin ng pangulo ang isang ahensya o function nito.