Nakakalat na ang mga tauhan ng Philippine National Police - Highway Patrol Group o HPG sa mga sementeryo at major thoroughfares para sa paggunita ng Undas.
Ayon kay HPG Spokesperson Police Lieutenant Nadame Malang, layon nito na alalayan ang mga motorista sa inaasahang dagsa ng mga biyahe ngayong mahabang bakasyon.






















