Nanawagan ang Malakanyang kay resigned AKO Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na harapin na lamang ang mga paratang sa kaniya ukol sa isyu ng budget insertions at umano’y anomalya sa flood control projects.
Samantala, pinabulaanan ng Malakanyang na “selective justice” o may pinipiling personalidad ang mga isinasangkot sa naturang anomalya.