Tiniyak ng pamahalaan na hindi magpapasimula ng gulo ang Pilipinas sa West Philippine Sea, ngunit handa ang bansa na ipagtanggol ang teritoryo.
Ito’y sa kabila ng mas matinding agresyon at harassment na ipinakikita ng China sa mga barko at eroplano ng bansa.
Ayon sa isang political analyst, kailangang paghandaan ng Pilipinas, lalo na ng Philippine Coast Guard, ang mas agresibong aksyon ng China kasunod ng insidente sa Bajo de Masinloc.