Hindi pa tapos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isyu ng mga maanomalyang proyekto ng pamahalaan.
Matapos ang kanyang pagbisita sa Bulacan at Baguio City noong nagdaang linggo, naging sentro rin ng kanyang mensahe sa paggunita ng Araw ng mga Bayani ang paglaban sa korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Tiniyak din ng Pangulo ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa mga sinasabing anomalya sa flood control projects sa bansa.