Unang pinuntahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Filipino Community sa India kagabi kaugnay ng kaniyang state visit sa bansa.
Sa kaniyang talumpati, sinabi nito na plano niyang mas palakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas sa India sa mga larangang hindi pa masyadong nae-explore kagaya ng depensa, trade and investment, kalusugan, at turismo.