Iginiit ng grupong BAYAN na hindi dapat gawing requirement ang pagkuha ng permit para sa mga kilos-protesta sa araw ng State of the Nation Address ng Pangulo sa darating na Lunes. Ayon sa grupo, ang karapatang magpahayag at magtipon ay hindi dapat nakatali sa anumang pahintulot mula sa pamahalaan.
Ibinunyag din ng BAYAN na inihahanda na nila ang kanilang BBM o "Bongbong Mambubudol" effigy na ilalabas sa tinaguriang People’s SONA bilang simbolo ng kanilang panawagan at pagtuligsa sa mga isyung kinahaharap ng bansa.