Nagpaliwanag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung bakit hindi nabanggit ang online gambling sa kanyang nakaraang State of the Nation Address.
Tiniyak ng Pangulo na kahit hindi ito natalakay sa talumpati, kikilos pa rin ang pamahalaan para tugunan ang mga kaugnay na suliranin, lalo na ang pagkalulong dito ng maraming Pilipino.