Nagsagawa ng inspeksiyon ang LTO sa mga terminal sa Cubao bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyaherong uuwi ng kani-kanilang probinsya ngayong Undas.
Samantala, nag-ikot din si Transportation Acting Sec. Giovanni Lopez sa Batangas City Grand Terminal at napuna ang kawalan ng maayos na bentilasyon at pasilidad para sa mga PWD.





















