Nagbanta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsasampa ng kasong economic sabotage sa mga sangkot sa umano'y anomalya sa mga flood control projects.
Hindi lang sobrang nadismaya kundi nagalit si PBBM nang inspeksyunin ang reinforced concrete riverwall project sa Purok 4 sa Brgy. Piel, Baliuag, Bulacan kahapon.