Hindi gagamitin ang mga barko ng Philippine Navy para samahan ang mga barko ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa paghahatid at pamamahagi ng supply sa mga mangingisda sa West Philippine Sea.
Ngunit nakahanda umano ang mga barkong pandigma ng bansa na sumaklolo kung kakailanganin.