Inaasahan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na kasali si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sarili nitong utos na lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.
Handa rin ang senadora na isapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), lalo na kung kasama ang Senate minority bloc.