Hindi sang-ayon ang Malakanyang sa panukalang buwagin ang Department of Public Works and Highways o DPWH.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi naman lahat ng nasa ahensya ay gumagawa ng mali, at mayroon pa rin aniyang mga public official na gumagawa ng kanilang obligasyon.






















