Tiniyak ng House Committee on Appropriations Chairperson, Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing na igagawad ang karampatang courtesy o paggalang sa mga ahensya ng pamahalaang dadalo sa budget deliberations ng Kamara, kabilang na rito ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
Ginawa nito ang pahayag nang matanong kaugnay ng isyu matapos maging kontrobersyal ang pagdinig sa budget proposal ng tanggapan ng bise presidente noong nakalipas na taon.