Patuloy na nagpapagaling sa ospital sa Hong Kong ang Overseas Filipino Worker na si Rhodora Alcaraz na nagligtas ng alaga nitong tatlong buwang gulang na sanggol nang sumiklab ang malaking sunog sa Tai Po district. Gumaan naman ang pakiramdam ng pamilya ni Rhodora dahil sa nakakausap na nila ito.






















