Pinag-aaralan pa ng Malacañang kung kinakailangang sampahan ng kasong inciting to sedition o treason ang ilang retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines na umano’y nanawagan ng pagkalas ng suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kasunod ito ng ulat hinggil sa panawagang withdrawal of support mula sa ilang sektor ng AFP sa gitna ng isyu ng flood control projects anomaly.