Kinontra ng Malacañang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na humaharap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang “crisis of confidence.”
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, wala itong katotohanan dahil mismong ang Pangulo, aniya, ang nagbulgar ng katiwalian sa flood control projects.






















