Maaaring maglabas ng arrest order ang Senado laban kay resigned congressman Elizaldy Co kung hindi ito dadalo ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, ayon kay Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Ito'y kung hindi dadalo ang dating mambabatas sa patawag na pagdinig ng komite upang bigyang linaw ang mga isyu kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects.