Naniniwala ang ilang kongresista na hindi sapat para sa taumbayan ang mga tugon ni Vice President Sara Duterte sa mga alegasyon ng katiwalian kaugnay ng paggamit niya ng confidential funds.
Ito anila ang dahilan kung bakit mayorya ng mga Pilipino ay sang-ayon na dapat harapin ng Bise Presidente ang impeachment case laban sa kanya, batay na rin sa resulta ng Social Weather Stations o SWS survey.