Pabor si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan ang flood control projects ng pamahalaan sa nakalipas na 3 taon.
Pero ayon sa alkalde na kabilang sa grupo ng mga opisyal na nagsusulong ng good governance sa mga lokal na pamahalaan, hindi lang flood control projects ang dapat silipin, kundi pati na rin ang iba pang proyektong pinopondohan ng gobyerno.