Naniniwala ang isang batikang constitutional lawyer na walang mangyayaring constitutional crisis kaugnay ng deklarasyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Binigyang-diin nito ang aniya'y malubhang pag-abuso ng Kamara sa kapangyarihan sa paghawak ng impeachment case ng Bise Presidente.